Friday, November 4, 2011

You know what's awkward?

Its when one of your close friends tells you that he likes you. 
Asdfghjkl. I really don't know how to handle situations like this. :\

High school pa lang kasi ako hirap na ako sa mga ganitong situation. Alam mo yun, close friend mo tapos malalaman mong may something pala siya para sayo?! What the? Hindi ko alam kung bakit, pero kasi naiilang talaga ako kapag nalalaman kong may something sa akin yung kaibigan ko. And worse, may tendency akong mapalayo na sa kanya dahil nga sa naiilang ako. :/

Nakakainis lang, kasi ngayong college na ako, nangyayari na naman ito. Today, someone told me that he likes me. And hindi lang yun, kabarkada ko pa siya mula 1st year. Tapos nung nakwento ko ito sa isa ko pang kabarkada, ang sabi niya lang sa akin ay:
Ngayon lang siya sayo nagtapat? Nung first year ko pa yun napapansin eh.
Ay grabe lang. Aamin ko, nung first year kami medyo may kutob na ako sa kanya pero lahat ng yun nawala na paglipas ng panahon. Tapos ngayon, eto umamin sya. Grabe lang. Hindi ko alam gagawin ko, paano sa pasukan neto? Hindi ko na alam. Sana lang mawala yung awkward feeling. Ang hirap kase, same barkada pa man din kami, tapos same church pa. Ay pambihira.


No comments:

Post a Comment