So yung totoo, kumusta nga ba talaga ang puso ko? Aaminin ko ngayon medyo naguguluhan ulit ako. Ay mali, hindi pala naguguluhan.. Nagiging emosyonal lang ako ngayon, pero alam ko naman yung kung anong dapat kong gawin. Kungbaga eto na naman ako sa nilalabanan ko yung sarili ko. Dying of oneself ika nga.
Minsan sumasagi sa isip ko yung mga katagang "Buti pa sila.. o kaya "Sana ako rin.." Hindi ko naman maiiwasan yun e, kasi kahit anong gawin ko tao pa rin ako at normal lang sa isang tao na makaramdam ng mga ganung bagay. Pero hindi ko hinahayaang magpadala sa emosyon ko, alam ko kasing walang patutunguhan yon. At isa pa, hindi ko nago-glorify si God sa pag-iisip ng ganun.
Siguro may onting inggit kapag nakikita ko yung mga kaibigan ko. Lalo na kapag schooldays, pang gabi kasi ako, tapos may naghihintay sa kanila hanggang sa matapos kami sa class. Sasabayan silang mag-dinner tapos ihahatid pauwi. Typical. Minsan napapaisip ako at nasasabi kong Lord sana ako rin. Pero kapag ganun na yung iniisip ko, nire-rebuke ko na agad yung sarili ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na Kalma lang Tine. God is still writing the best love story for you. Wag kang mainip, okay?
So ngayon, okay lang ako. Medyo may nami-miss pero ayos lang. Hindi ko na lang masyado iniisip yun, kung maaari, kung makakaya, ayoko na muna talaga isipin. Gusto kong mag focus muna ako ulit sa pagse-serve kay God.
Saka isa sa realizations ko ngayon, madami pa akong dapat malaman, madami pa akong dapat matutunan. Gusto kong ma-enjoy muna itong season na ito. At alam ko ganun ka rin naman. Gusto ko munang mas mag-grow tayo as friends. Lets take one step at a time.
Isa pa, ayokong masayang kung ano man ang plans ni Lord para sa akin dahil lang sa atat ako. In His time, I know He'll give me that someone. ♥
No comments:
Post a Comment