Umaasa pa
rin akong makatanggap ng love letters.
Umaasa pa rin akong may gagawa ng tula o
kanta para sa akin.
Umaasa pa rin akong mararanasan kong haranahin.
Umaasa pa
rin akong makatanggap ng mixed tapes ng mga paborito kong kanta.
Umaasa pa rin
akong may isang lalaking gagawa ng mga bagay na ito sa akin. Yung tipong bago
magsabi sayong liligawan ka niya e sumangguni muna siya sa mga taong
nakapaligid sayo’t nagmamahal at mahal mo. Tipong kapag nagsabi siya sayong
manliligaw siya, magugulat ka na lang kapag nalaman mong nakuha na pala niya
yung blessings ng mga taong
nagmamahal at mahal mo.
Ilan lang
yan sa mga pangarap na hindi ko pa rin binibitawan. Oo, alam kong makabago na
ang panahon natin ngayon- nagkalat na ang mga hi-tech na bagay, nandyan na
rin ang Facebook at iba pang chatrooms, pero kahit ganun umaasa pa rin talaga
akong kapag dumating na yung tamang oras, mararanasan ko ring ligawan the old school way.
Alam ko
namang ang Diyos ang bahala sa love story
ko eh kaya alam kong magiging maganda ito. Ika nga ng nakasulat sa baller ko:
God is still writing the best love story for
me.
Sa
ngayon, itutuon ko na lang muna ang 100% atensyon para kay Lord. Balang araw, kapag season ko na yun,
ibibigay naman ni Lord yung makakapareha ko hanggang sa paguwi eh.
No comments:
Post a Comment