Wednesday, March 28, 2012

Chix ka ba?

Yan ang madalas na tanong ng mga lalaki sa kaibigan nilang babae. Pero ang tanong, kailangan ba talagang maging chix ka muna para pagsilbihan ka o itrato ka ng tama ng mga kalalakihan? Hindi ba dapat na pinagsisilbihan ang mga kababaihan, at hindi na kailangan pang itanong kung chix ba o hindi.

Isa sa mga pinagpapasalamat ko talaga kay Lord ay yung pagbibigay niya sa akin ng UST Lifebox Men- ang mga lalaking may takot sa Diyos at sobra sobra kung magpahalaga sa mga kababaihan.

Paano ko ba sisimulan? Hmm..
Aaminin ko medyo may pagka- one of the boys kasi ako. Alam mo yun, ang komportable lang kasi kapag kasama mo sila Pero kahit na ganon, kahit na madalas e ang mga nakakasama ko e lalaki, hindi pa rin nawawala yung pagiging gentleman nila. Madalas kasi diba, kapag sobrang close na ng babae sa mga lalaki parang nagiging lalaki na rin ang trato nila sa babae? Pero in my case, hindi ganun. Baliktad pa nga e, mas nararamdaman ko talagang prinsesa ako kapag kasama ko sila. Lol. Minsan nga naiisip ko na napaka- spoiled ko na.

Alam mo yung hindi na ako sanay na umuwi ng gabi nang mag-isa? Nasanay na kasi ako na may maghahatid sa akin pauwi, kaya hindi ako takot na umuwi ng gabi kasi alam ko namang safe ako. Alam ko namang may poprotekta sa akin kung may mangyari man sa daan.

Nasanay na rin akong may nagdadala ng gamit ko. Salamat talaga sa Lifebox men kasi literal na  pinapagaan nila ang buhay ko. Minsan nga kahit na magaan na yung dala ko kinukuha pa rin nila eh.

Nang dahil sa Lifebox Men madami ring nabago sa akin. Nasanay kasi ako na kapag tumatawid sa kalsada e like a boss ako. Ganun ako kalakas yung loob ko kapag tumatawid. Pero nang dahil sa kanila natuto akong dapat hindi ganun. Nasanay na ako na sa tuwing tatawid, may isang lalapit sa gilid mo para sabayan kang tumawid.

Sobrang spoiled talaga ako sa kanila, kung close lifebox men kita alam mo yan! Sobrang lumilitaw kasi yung pagka gentleman nila, sa kahit na anong situation makikita mo yon sa kanila. Kapag kasama mo sila, masasabi mo talaga sa sarili mo na hindi mo kailangang maging chix para itrato ng maayos ng kalalakihan.

Ang pagiging gentleman hindi lang dapat kapag may magandang babae kang nakita, kapag may chix sa paligid. Ang pagiging gentleman, hindi yan para magpa-impress. Ang pagiging gentleman ay walang pinipiling tao, sa chix man yan o sa kaibigan mong babae. Sa totoo lang mas makikita kung totoong gentleman ang isang lalaki sa kung paano niya itrato ang mga kaibigan niyang babae at hindi sa kung paano siya umasta kapag may chix sa harapan niya.

No comments:

Post a Comment