Wednesday, October 26, 2011

Practice Makes Perfect.

Today nagmagaling na naman ako. Naglaro laro sa kusina as if naman na marunong akong magluto talaga. Hehe, I decided to cook pancake for my merienda. Then, ayun na nga hindi naman nahirapang mag-prepare. Nahirapan lang talaga ako sa pagluluto na itself. Bakit kasi hindi ako makagawa ng perfect circle na pancake e? :( Yung first two na gawa ko akala mo scrambled egg e, sobrang distorted eh. Hahaha. Pero habang tumatagal medyo umo-okay naman na yung gawa ko. Medyo mas mukhang bilog naman na siya. Pero ang hirap lang talagang makagawa ng perfect circle. Huhu. Gusto ko matuto non. 

Mula sa ginawa kong "kalokohang" yun kanina aaminin ko na ang dami ko pa talaga kailangang malaman sa buhay., lalong lalo na sa pagluluto. Hindi naman kasi ako pinalaki ng magulang ko na laging nasa kusina e. What I mean is, hindi naman ako pinapayagang magluto o makisali nila mama dati kapag nagluluto sila. Siguro nung bata ako nakakatulong pa ako sa paghahanda ng ingredients.. Pero sa pagluluto itself na, hindi talaga. So lumaki akong wala talaga masyadong alam sa pagluluto. Parang hindi ako babae no? Sorry naman. :( Pero gusto ko talagang matutong magluto... Sana lang may chance para matuto ako. Preparation na rin, siyempre hindi naman forever na nandyan sa tabi ko ang parents ko, darating ang panahon na kailangan ko ng bumukod. So dapat matuto na rin akong magluto. At syempre pag nagkapamilya na rin ako, syempre sinong magluluto para sa kanila? Parents ko pa rin? Hindi naman ganun yun. Gusto ko na talaga matuto. Hayy.. 


No comments:

Post a Comment