Tuesday, October 25, 2011

Di na tayo tulad ng dati.

Minsan talaga darating at darating ka sa punto kung saan wala ka ng magagawa kung di magpatay malisya na lang, magpanggap as if okay lang ang lahat. Minsan kasi nakakapagod ng mag-alala sa isang taong ayaw namang makinig na sa iyo. 

Oo, aaminin ko nalulungkot ako sa kung anong kinahinatnan ng pagkakaibigan natin pero kung yan talaga ang gusto mo wala na akong magagawa pa. Isa pa, buhay mo yan ayoko namang pangunahan ka sa mga desisyon mo. I've done my part, bahala ka na kung anong gusto mong gawin. Kung makikinig ka sa mga sinasabi namin, o ipagpapatuloy mo pa rin ang gusto mo. Napapagod rin naman kasi kaming magpayo sa'yo eh. Matanda ka na, bahala ka na sa buhay mo. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang ipagdasal ka.. Ayoko na rin kasing magsalita pa o mag-react pa sa mga nababalitaan ko patungkol sa'yo. Ayoko na kasing palalain pa ito. 

Nami-miss na kita, pero wala kong magawa. Hindi na tayo tulad ng dati.. at nakakalungkot lang na malaman yun. :(

No comments:

Post a Comment