Actually ito yung material namin last semester sa deep bench namin kay Ate Love. Natapos naman na namin ito dun sa DB namin, pero aaminin ko madami pa akong chapters na hindi pa tapos basahin.
Bakit? Kasi late na kong nakasama sa deep bench nila, ngayong last semester lang ako nakasali. E sinimulan ata nilang i-discuss itong book na ito two sems ago pa. So Ate Love told me na i-skip ko na lang muna yung previous chapters para makahabol ako sa discussion. Nung pumasok kasi ako sa deep bench niya mga nasa chapter 6 na ata sila non.
So this break, ito na talaga ang chance ko para matapos itong book na ito. Grabe lang ang ganda lang talaga neto. Ang dami kong natututunan, mga bagay na mas nalalaman. So I advice you guys na basahin rin ito. :)
Nga pala, memorable rin pala sa akin yung book ko na ganito. Bakit? Kasi yun yung remembrance ko noong Ignite Pre-conference na ginanap sa Victory Fort. I bought this book cheaper than its original price. Ang saya lang. :)
No comments:
Post a Comment