Okay, ito talaga ang nangyayari kapag bored ako dito sa bahay. Kanina ginupitan ko na naman ang buhok ko, naglagay na naman ako ng bangs. Yes I know mahaba at di ata masyadong pantay yung gupit ko, pero kasi natatakot na akong gupitan pa.. Baka magupit ko ito at maging sobrang iksi na pagsisisihan ko rin sa huli. Nung bata kasi ako, nagmarunong ako pag dating sa buhok ko, at hindi ko nagustuhan yung kinalabasan, sobrang iksi ng naging bangs ko non. >_________<
So ayun, kung mas marunong talaga ako gumupit at may gunting ako na pang buhok talaga, ifu-full bangs ko ito e, kaso wala. Sayang. Hindi ko alam, pero gusto ko kasi talaga masubukan yung full bangs. Feeling bata. Lol.
No comments:
Post a Comment