Isa sa mga
ayoko talaga ay ang malalakas uminom.
Hindi ko
kasi maintindihan kung bakit pa kailangang uminom. Sabi nila, minsan lang kapag
may special event lang. Pero naisip ko, hindi na ba magiging masaya at espesyal
ang isang okasyon kapag walang alak na nakalabas? Ang ilan naman, sinasabi na
umiinom lang sila kasi depress sila, kesyo problemado, sawing palad. Pero,
bakit mawawala ba yung problema mo pag nagpakalasing ka? Hindi rin naman di ba?
Siguro hindi mo ito maiisip ng panandalian, lalo na kapag may amats ka na. Pero pag nawala na yung
amats mo, ano na? Naayos na ba yung problema mo? Hindi naman di ba.
Nalulungkot
lang ako para sa mga taong malalakas uminom. Wala naman kasing magandang
maidudulot ang pagi-inom eh. At nakasulat rin sa Bible na we should keep our
body clean and pure for it is the temple of the Holy Spirit.
Isa pa sa
mga pinakaayoko talaga ay ang mga smoker.
Sobrang
sakit talaga sa puso kapag nakakakita ako ng mga kaibigan ko na napariwa na’t
natuto ng manigarilyo. Naaalala ko yung linya sa kantang Hosanna: break my heart for what breaks yours. Nararamdaman ko kasi talagang nagbe-break yung
heart ko kapag nakakakita ko ng naninigarilyo e tapos kakilala ko pa yun. Isa
talaga yun sa mga ayokong feeling. Ayokong nakikita ako ng friend ko na
nakikita ko siya sa paninigarilyo niya. Hindi ko alam kung bakit, basta ayoko
lang ng ganon sa pakiramdam. Talagang ako na yung madalas na umiiwas para lang
hindi niya ako makitang nakikita ko siya sa mga ginagawa niya.
No comments:
Post a Comment