Wednesday, February 8, 2012

Lifebox UST Men



Para sa mga pinakamamahal kong Lifebox Men para sa inyo ito! Oo, matagal tagal na rin akong hindi nakakapag-blog pero gusto ko lang ulit gumawa ngayon para sa inyo. Gusto ko rin kasing i-appreciate kayo sa paraang alam ko.

Gusto ko lang na malaman ninyo na ang saya at nakakabless talaga kayong makasama. Sa mga simpleng pagtambay natin sa HQ--- sa mga kwentuhan, kulitan, tawanan, asaran. Sobrang tine-treasure ko yung mga ganung moments. :D

Salamat kasi kapag kasama ko kayo mas nararamdaman ko talaga na Princess ako, and I’m sure hindi lang ako nakakaramdam neto, pati ibang Women ganito rin ang pakiramdam kapag kasama kayo. :)

Alam niyo yung mga simpleng actions niyo, nakaka-touch lang talaga, as in. Yung mga pagdadala ninyo ng gamit o bag namin--- kahit na minsan e ayaw na naming ipadala sa inyo kasi magaan lang naman pero magi-insist pa rin kayo na kunin, yung kapag naglalakad tayo sa kalsada o tatawid--- yung mga actions niyo na ginagabayan niyo kami, we really feel safe kapag kasama naming kayo, yung pagsama niyo sa amin kapag may pupuntahan kami or bibili lang ng food, yung mga moments na dadalhan niyo kami ng pagkain, pati na rin yung mga gabing umuuwi tayo--- tipong hindi niyo hinahayaang umuwi ang isang babae na wala man lang siyang kasabay na lalaki. Isama niyo pa dyan yung mga moments na minsan nagsasakripisyo kayo para sa kapakanan naming kababaihan. Sa totoo lang madami pa akong gustong sabihin sa inyo pero masyado ng magiging mahaba ito kapag inisa-isa ko pa, hehe. Basta ayun maraming maraming salamat lang talaga! Sobrang nafe-feel naming prinsesa kami. :D

Alam niyo ba, sa tuwing naku-kwento ko sa non-Christian friends ko yung mga ginagawa niyo para sa amin, sobrang naiinggit sila. Bakit? Kasi para sa kanila, oonti na lang daw ang gentlemen sa mundo. Kaya ayun, continue lang kayo sa pagdi-disciple pa ng ibang boys, and help them eventually na maging man of God. Ipakita natin sa mundong ito na mayroon pa ring gentlemen at man after God. Sobrang natutuwa lang ako sa growth ng UST Men ngayon, at nakikita ko rin yung pagiging on fire niyo to serve and know God.

Alam ko na hindi sasapat itong blog na ito para maparamdam ko sa inyo kung gaano ako ka-thankful kay Lord dahil binigay niya kayo sa akin. At alam ko rin na hindi ko kayang tumbasan yung paga-appreciate na ginagawa at gagawin niyo sa amin ngayong Valentines, pero ito lang kasi ang alam kong paraan. SO, ayun thank you talaga sa inyong lahat! God bless you guys! :D